Skip to main content

Manila Water Foundation, binisita ang mga Dumagat ng Sitio Sapang Munti

Image 01
Manila Water Foundation Team, tinuruan ang mga Dumagat kung paano ang wastong pamamaraan sa pagpapanatili ng Water Access, Sanitation, and Hygiene (WASH) sa kanilang komunidad

Image 02

INTEGRATED WASH | Bilang bahagi ng 18th Anniversary Celebration ng Manila Water Foundation, na may temang Celebrating Synergies, Expanding Reach, dumalaw ang Team MWF sa isang komunidad ng mga Dumagat sa Sitio Sapang Munti sa Norzagaray, Bulacan.

Image 03

Matatandaang noong Disyembre 2022, pinasinayaan ng Manila Water Foundation ang 18 watering points at isang water treatment facility ng komunidad. Dahil sa proyekto, may mas ligtas nang mapagkukunan ng tubig ang mga Dumagat sa Sitio Sapang Munti.

Image 04

Image 05

Naghatid din ang grupo ng water containers mula sa Orocan, hygiene at home care products mula sa P&G.

Image 05

Nagkaroon din ng community session at diyalogo upang mapangalagaan ang watering points at ang sanitasyon sa komunidad at upang maprotektahan ang likas na yaman sa Ipo Watershed.

#IntegratedWASH #WASHforAllCommunities #ExpandingReach