
Sa ilalim ng temang Agos ng Pagbabayanihan, bahagi ng aming ika-17 anibersaryo ang paghahatid ng 100 units ng SATO Tap mula sa LIXIL sa mga partner organizations bilang suporta sa WASH O’Clock National Handwashing Campaign ng Department of Health (Philippines) at UNICEF Philippines.
Ang SATO Tap ay isang portable handwashing station na maaaring magamit ng mga pamilyang may limitadong access sa malinis na tubig. Ang mga ito ay tinanggap ng mga partners namin mula sa mga kasapi ng Zero Extreme Poverty 2030 (ZEP2030) network Quezon City Cluster:
Foundation for the Development of the Urban Poor (FDUP)
Promise Land Child Development Center (PLCDC)
Kanila naman itong ipapamahagi sa mga pamilya ng kanilang partner communities.

Nagpapasalamat ang Manila Water Foundation sa partner nitong Lixil para sa kanilang pakikipagtulungan sa amin upang mabigyang solusyon at mas mapaigting ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay anumang oras, para sa mas malusog na pamilyang Pilipino.

